PARIS EATS: TIPID NOW, BONGGA LATER (1/5)

Totoo ang chismis!
Mahal sa Europe. Paris, specifically, is an expensive city. Kahit naman saang tourist destination, Mahalia Mendez dahil nga taking advantage of the cash baon ng mga turista . Pero sabi nga, if there’s a will, may balon. Para-paraan na yan. Paris is indeed expensive but I wanna share with you how I spent on food. Ayoko tawaging tips, dahil masayado namang imposing na bilang first-timer, feeling expert agad. Tawagin na lang nating…chanchararan… TIPS FOR FIRST-TIMERS BY A FIRST TIMERS para mas nakakaulul! Hahaha!
Allocate food allowance per meal.
Simulan natin ang computation sa 1 euro = more/less Php 55.
I based the cost of my food allowance sa regular Manila restaurant.  Di super mahal, di rin naman carinderia level. Let’s say, A good 1 dish meal costs an average of P350 (about 6euros) in Manila, plus-plus kung may extra rice, + sabaw + buko pandan. Aabpot din ng 10euros. Bilang turista, dagdagan mo ng konti kasi syempre, i-expect mo na na mahal. At made in France talaga. As in for realz walang halong choz! Kasi nga nasa France ka… So bale 15 euros ang budget for average meal. Multiply it by 3 meals a day equals 45 euros for food. 2,500 sa pera natin. Mahal, pero may style ako sa pagtitipid. Yang budget naman na yan eh, allocation lang. Di naman kailangan gastusin lahat. Enough lang para di ka mukhang kawawa.
1. TIPID NOW, BONGGA LATER
Sa Paris, hindi uso ang breakfast.  Walang pa-breakfast sa mga hotel. Kahit na yung tinirahan namin, parang wala yata. Pero kung yayamanin ka, ikaw na!
For breakfast, kape-kape lang naman ang trip ko. Around 2 to 2.5 euros ang coffee in any cafè around the block (tarush!). Totoo rin ang chismis na mas mura ang price pag nakatayo ka lang kesa nakaupo.  Dedma na sa fudams, hinatayin mo na lang mag-lunch para tipid. Ang importante, magising ang katawang lupa mo at makapagjebs ka bago rumampa ng buong araw dahil mahirap na bumalik sa hotel.
10 AM na rin naman nagbubukas ang mga establishments so alanganin din. Baka naman maisipan mo pa magbaon ng 3-in-1 coffee with ginseng. Wag na, ateng. Masarap ang experience na nakaupo sa cafe at magpeople watch ng mga bagong gising na French boys! Jusko maski basurero, tutulo laway mo.
Kung ikaw naman ang tipo ng bakla na you start your day with heavy meal, read-on, or tigilan mo na yan! Hindi mo ikagaganda. Ikakajubiz mo lang.
Uso sa kanila ang brunch. “Al-tang” sa atin. Almusal-Tanghalin-in-one. Pangmahirap. Mukhang Cost-cutting. Pero lakas maka-sosyal ang “brunch”. Pag may ka-meet ka, ispluk mo na lang, “Let’s have brunch at Le Marais!” Oh, di ba? Ang yaman pakinggan. Ang “al-tang” lakas maka-Les Miserables. Hahaha!
Typically, a good lunch would cost you around 15-25euros (more or less), depende sa takaw mo. Ako kasi, I skimp on lunch, para may space for merienda and higher budgey for dinner.
Anyway, wala rin namang carinderia sa Paris kaya kahit saan ka kumain, chika chica! Sometimes naman, check mo lang yung menu sa blackboard, or yung mga pa-buffet. Mas mura ang price ng lunch than dinner. So kung may gusto ako tikman na shala levels na resto, lalafung ako sa tanghali, then tipid meals sa gabi.
Mahal din ang Coke. 3 euros. Malinis naman ang tap water nila. Hello, first-world kaya yun! Atsaka made in Paris yung tubig. Promise, hindi ka magtatae. Wag ka na rin umarte umorder ng fizzy water dahil sa totoong buhay, hindi sya masarap. Save your 3 euros dahil makakabili na yun ng isang boteng wine! Imagine, ISANG BOTENG WINE! Kung lasenggera ka, masarap sa tanghalian yan. BTW, yan yung price ng wine sa Supermarchè (Supermarket). Hindi din masyadong super yung supermarket nila wag ka na maghanap ng Puregold. Parang mga 7-11 size lang.
Advertisements

2 thoughts on “PARIS EATS: TIPID NOW, BONGGA LATER (1/5)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s